Linggo, Pebrero 26, 2017

Paghahanda ng pangganyak

Nasa ikalawang taon pa lamang ako ng aking ag-aaral sa kolehiyo sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino.  Sa isang Filipino subject namin ay final requirement ang teaching demo at ang aming magiging mag-aaral ay nasa kolehiyo na. Sa aming banghay aralin na ihahanda ay kinakailangang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat. Napapaisip ako kung paano ko gagawing interaktibo ang aking klase. Kung ipapabasa ko lang sa kanila ang maikling kwentong "Paglalayag Sa puso ng isang bata"  ay tiyak na karamihan sa kanila ay hindi magbabasa o kung babasahin man nila ay malamang hindi nila ito seseryoshin.


Kaya idadaan ko nalang sa pagpapabasa ng mga imahe. Ang konseptong ito ay kinuha ko mula sa sikat na app/game na 4 pics 1 word.
Ang unang pangkat ng mga imahe ay nagpapakita sa katangian ng mag-aaral sa maikling kwentong "Paglalayag sa puso ng isang bata".  Ipinapakita dito na siya ay isang batang kadalasan ay nag-iisa at di kalauna dahil sa pagiging malapit niya sa kanyang guro ay naging malapit na rin siya sa kanyang mga kamag-aral.

Sa huling pangkat naman ay nagpapakita sa katangian ng guro sa "Paglalayag sa puso ng isang bata". Gaya ng ordinaryong guro ay siya ay mabait at malapit sa kanyang mga mag-aaral, kinilala niya ang isa niyang mag-aaral at naging malapit siya sa batang ito.

Naisip ko na gawing ganito ang konsepto ng aking pangganyak upang makuha ko ang atensyon ng aking pagtuturuan. Ito ay dahil batay sa isang applicaion na karaniwang ginagamit ng nasa kolehiyo pangpalipas oras. Higit din itong makakatulong upang mapakilala ng maayos ang mga tauhan sa maikling kwentong "Paglalayag sa puso ng isang bata" na itatalakay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento